rOOmnbOrEd

~~ it's funny how hello always accompanied with goodbyes .. it's funny how good memories can start to make you cry ~~
~~ it's funny how forever never seems to really last .. it's funny how much you'd lose if you forgot about your past .. it's funny how "Friends" can just leave you when you're down .. it's funny when you need someone they're never around ~~
~~ it's funny how people change and think the're so much better .. it's funny how one lies can be packed in one "love letter" ~~
~~ it's funny how people forgive even though they can't forget .. it's funny how one night can contain so much regrets .. ~~ it's funny how ironic life can turn out to be .. but the funniest part of all .. .. is that .. ..
~~ none of that are funny to me ~~









Saturday, May 29, 2010

hapunan

Naranasan mo na bang hindi kumain 4 na araw na magkakasunod ?

Ito ang simula nang aking kwento .. Ang kwento tungkol sa buhay na aking nadaranasan

sa ngayon .. At umasang hindi magtatagal ..



Ika-4 na araw na akong hindi kumakain nang hapunan .. payat na nga ako, lalo pa akong

nangangayayat dahil sa hindi tamang oras nang pagkain .. Oo minsan kumakain ako, pero

tanghalian lamang .. At sa pagsapit nang dilim, kumukulo at nagrereklamo na ang aking tiyan

dahil sa gutom .. "tubig lang katapat n'yan" ang lagi kong sabi sa aking sarili .. Pero habang

lumalim ang gabi, doon ko nararamdaman ang sakit .. ang sobrang sakit nang aking tiyan ..

Minsan o kadalasan, gusto ko itong sabihin sa aking mga kaibigan .. Pero nahihiya akong

kwento dahil mababaw lang naman at baka akalain nila na nagpapaawa lang ako sa kanila ..

At isipin na drama ko lang to nang maawa naman sila .. Pero ito talaga ang katutuhanan ..



Minsan pinipilit ko ang sarili ko sa makitulog sa kanila sa araw nang Sabado at Linggo dahil
para makasama ko sila at nang maging masaya naman ako kahit panandalian lamang, ito ay para malimutan ko ang aking problema ..
Pero ang katutuhanan nito, ay para makapunta sa kanila para makikain lamang ..
Nahihiya akong aminin sa kanila, dahil sobrang kapal naman siguro nang mukha ko kung ito talaga ang kadahilan kung bakit gustong gusto kong laging nasa bahay nila ..
Pinipilit ko ang sarili ko na alam ko namang ayaw din nilang kasama ako ..

Nanalangin ako na sana .... Nawa, h'wag maranasan nang mga kaibigan ko ang nararanasan ko sa ngayon ..

Minsan sa bahay nang aking tiyahin .. Doon ako nakakakain, pero sa hirap din ang buhay nila
eh paminsan minsan hindi rin sila nakakapagluto at nakakakain ..

Minsan sa sobrang gutom ko, lagi na lang akong nakakaisip nang kung ano-ano .. Ang subukang kumain nang papel halimbawa ..

Minsan naiisip ko ang buhay ko sa pilipinas .. Doon kahit hindi ako kumain nang ilang araw, kahit kailan hindi ko naramdaman ang pagkagutom .. Hindi ko alam kong bakit ..!?.. Siguro dahil masaya ako.. dahil sa saya, nalilimutan ko ang gutom ..

Naranasan mo na bang magnakaw nang pagkain ?

Ako ....... OO .. kadalasan .. peron ang pagkaing kinukuha ko ay galing sa pamilya ko at hindi sa ibang tao .. Pangit mang tingnan pero ito lang ang tanging paraan para mapawi ang gutom na aking nararamdaman .. Nakakahiya man, pero kailangang aminin at ito ay inyong malaman..

Minsan sa tuwing nakakakita ako nang pagkain, daig ko pa ang isang tunay na patay gutom.. Gustong angkinin lahat nang pwede kong makain, sarilihin at ipagdamot ito ..
Sa tuwing may pagkain sa harapan ko, gusto kong ubusin kaagad at kumain ulit nang kumain, dahil baka mawalan pa ako ..

Sa lahat ata nang taong gustong magpakamatay ..
Ako lang ang taong gustong mamatay nang busog ...

No comments:

Post a Comment